23 Nang makita ni Ahitopel na hindi sinunod ang ipinayo niya, inihanda niya ang asno niya at umuwi sa kaniyang bahay sa sarili niyang bayan.+ Matapos pagbilinan ang sambahayan niya,+ nagbigti siya.+ Kaya namatay siya at inilibing sa libingan ng kaniyang mga ninuno.
14 At sinabi ni Joab: “Hindi na kita pag-aaksayahan ng panahon!” Kaya kumuha siya ng tatlong palaso* at itinarak ang mga iyon sa puso ni Absalom habang buháy pa ito sa malaking puno.
3 Nang makita ng nagtraidor na si Hudas na nahatulan na si Jesus, nabagabag siya at ibinalik niya ang 30 pirasong pilak sa mga punong saserdote at matatandang lalaki+
16 “Mga kapatid na lalaki, kinailangang matupad ang nasa Kasulatan na inihula ni David sa patnubay ng banal na espiritu tungkol kay Hudas,+ na nagsama sa mga aaresto kay Jesus.+
18 (At ang taong ito mismo ay bumili ng isang bukid gamit ang bayad para sa kasamaan niya,+ at bumagsak siya na una ang ulo, nabiyak ang katawan, at lumabas ang mga laman-loob.+