Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 15:1-5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 O Jehova, sino ang puwedeng maging panauhin sa iyong tolda?

      Sino ang puwedeng tumira sa iyong banal na bundok?+

       2 Ang taong may malinis na pamumuhay,*+

      Gumagawa ng tama,+

      At nagsasabi ng totoo sa puso niya.+

       3 Hindi siya naninirang-puri,+

      Hindi siya gumagawa ng masama sa kapuwa niya,+

      At hindi niya sinisiraan* ang mga kaibigan niya.+

       4 Itinatakwil niya ang sinumang kasuklam-suklam,+

      Pero pinararangalan niya ang mga natatakot kay Jehova.

      Hindi siya sumisira sa pangako,* kahit pa makasamâ ito sa kaniya.+

       5 Hindi siya nagpapautang nang may patubo,+

      At hindi siya tumatanggap ng suhol laban sa walang kasalanan.+

      Ang gayong tao ay hindi matitinag.*+

  • Awit 27:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  4 Isang bagay ang hinihiling ko kay Jehova

      —Iyon ang inaasam ko—

      Na makapanirahan ako sa bahay ni Jehova habang nabubuhay ako,+

      Para masdan ang karilagan ni Jehova

      At tingnan nang may pagpapahalaga* ang kaniyang templo.*+

  • Awit 84:1-4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 84 Napakaganda ng* iyong maringal na tabernakulo,+

      O Jehova ng mga hukbo!

       2 Nananabik ako,

      Nanghihina ako dahil sa pananabik,

      Sa mga looban ni Jehova.+

      Buong puso at buong lakas akong humihiyaw nang may kagalakan sa Diyos na buháy.

       3 Maging ang ibon ay nakakakita roon ng matitirhan,

      At ang ibong langay-langayan, ng mapamumugaran,

      Kung saan niya inaalagaan ang mga inakáy niya

      Malapit sa iyong maringal na altar, O Jehova ng mga hukbo,

      Aking Hari at aking Diyos!

       4 Maligaya ang mga nakatira sa bahay mo!+

      Patuloy ka nilang pinupuri.+ (Selah)

  • Awit 84:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Dahil ang isang araw sa mga looban mo ay mas mabuti kaysa sa isang libong araw sa ibang lugar!+

      Pinili kong tumayo sa pintuan ng bahay ng aking Diyos

      Kaysa tumira sa mga tolda ng masasama.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share