11 “Ang propeta at ang saserdote ay parehong marumi.+
Kahit sa sarili kong bahay ay nakita ko ang kasamaan nila,”+ ang sabi ni Jehova.
12 “Kaya ang daan nila ay magiging madulas at madilim;+
Itutulak sila at babagsak sila.
Dahil magdadala ako ng kapahamakan sa kanila
Sa taon ng pagtutuos,” ang sabi ni Jehova.