-
2 Cronica 36:17-19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 Kaya pinasalakay niya sa kanila ang hari ng mga Caldeo,+ na pumatay sa kanilang mga kalalakihan sa santuwaryo+ sa pamamagitan ng espada;+ hindi siya naawa sa binata o dalaga, sa matanda o may kapansanan.+ Ibinigay ng Diyos ang lahat sa kamay niya.+ 18 Ang lahat ng kagamitan sa bahay ng tunay na Diyos, malaki man o maliit, pati ang mga kayamanan sa bahay ni Jehova at ang mga kayamanan ng hari at ng kaniyang matataas na opisyal, ay dinala niyang lahat sa Babilonya.+ 19 Sinunog niya ang bahay ng tunay na Diyos,+ giniba ang pader ng Jerusalem,+ sinunog ang lahat ng matitibay na tore nito, at winasak ang lahat ng mahahalagang bagay.+
-