7 Matatag ang puso ko, O Diyos,+
Matatag ang puso ko.
Aawit ako at tutugtog.
8 Gumising ka, aking puso.
Gumising ka, O instrumentong de-kuwerdas; ikaw rin, O alpa.
Gigisingin ko ang bukang-liwayway.+
9 Pupurihin kita sa gitna ng mga bayan, O Jehova;+
Aawit ako ng mga papuri sa iyo sa gitna ng mga bansa.+
10 Dahil ang iyong tapat na pag-ibig ay dakila, kasintaas ng langit,+
At ang iyong katapatan ay hanggang sa kalangitan.
11 Maging dakila ka nawa sa langit, O Diyos;
Maging maluwalhati ka nawa sa buong lupa.+