Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 135:15-18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Ang mga idolo ng mga bansa ay pilak at ginto,

      Gawa ng mga kamay ng tao.+

      16 May bibig sila, pero hindi sila makapagsalita;+

      May mata, pero hindi sila makakita;

      17 May tainga sila, pero hindi sila makarinig.

      Walang hininga sa bibig nila.+

      18 Ang mga gumagawa sa kanila ay magiging gaya nila,+

      Pati na ang lahat ng nagtitiwala sa kanila.+

  • Isaias 40:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Ang bihasang manggagawa ay naghuhulma ng imahen,*

      Binabalutan iyon ng ginto ng platero,+

      At gumagawa siya ng mga kadenang pilak.

  • Isaias 46:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 May mga nagbubuhos ng ginto mula sa supot nila;

      Tinitimbang nila ang pilak.

      Umuupa sila ng platero, at ginagawa niya itong isang diyos.+

      Pagkatapos, sumusubsob sila, oo, sinasamba* nila ito.+

  • Jeremias 10:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  3 Dahil ang kaugalian ng mga bansa ay walang kabuluhan.

      Isa lang itong pinutol na puno sa gubat

      At gawa ng bihasang manggagawa gamit ang kasangkapan niya.+

       4 Nilalagyan nila ito ng palamuting pilak at ginto+

      At ipinapako para hindi mabuwal.+

  • Jeremias 10:8, 9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  8 Silang lahat ay mangmang at walang unawa.+

      Ang tagubilin mula sa isang puno ay walang kabuluhan.+

       9 Ang mga laminang pilak ay inaangkat mula sa Tarsis+ at ang ginto mula sa Upaz,

      Gawa ng bihasang manggagawa, ng mga kamay ng platero;

      Ang damit ng mga iyon ay asul na sinulid at purpurang* lana.

      Lahat ng iyon ay gawa ng mga taong dalubhasa.

  • Gawa 19:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 Pero nababalitaan ninyo at nakikita ninyo mismo na maraming tao, hindi lang sa Efeso+ kundi halos sa buong lalawigan ng Asia, ang nahikayat ng Pablong ito na maniwalang ang mga diyos na gawa ng kamay ay hindi talaga mga diyos.+

  • 1 Corinto 10:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Kaya ano ang ibig kong sabihin? Na ang inihahandog sa idolo ay may kabuluhan, o na ang isang idolo ay may kabuluhan?

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share