Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 21:7-9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Dinala nila ang asno at ang bisiro nito, at ipinatong nila sa mga ito ang mga balabal nila, at umupo siya sa mga iyon.+ 8 Inilatag ng karamihan sa mga tao ang mga balabal nila sa daan;+ ang iba naman ay pumutol ng mga sanga mula sa mga puno at inilatag nila ang mga ito sa daan. 9 Gayundin, ang mga taong nasa unahan niya at ang mga sumusunod sa kaniya ay patuloy na sumisigaw: “Iligtas nawa ang Anak ni David!+ Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ni Jehova!*+ Iligtas nawa siya, ang dalangin namin sa langit!”+

  • Mateo 23:39
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 39 At sinasabi ko sa inyo, hindi na ninyo ako makikita mula ngayon hanggang sa sabihin ninyo, ‘Pinagpala ang isa na dumarating sa pangalan ni Jehova!’”*+

  • Marcos 11:7-10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 At dinala nila kay Jesus ang bisiro,+ at ipinatong nila rito ang mga balabal nila, at sinakyan niya ito.+ 8 Inilatag din ng maraming tao ang mga balabal nila sa daan. Ang iba naman ay pumutol ng mga sanga* mula sa bukid.+ 9 At ang mga taong nasa unahan niya at ang mga sumusunod sa kaniya ay patuloy na sumisigaw: “Iligtas nawa siya!+ Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ni Jehova!*+ 10 Pinagpala ang dumarating na Kaharian ng ama nating si David!+ Iligtas nawa siya, ang dalangin namin sa langit!”

  • Lucas 19:37, 38
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 37 Nang malapit na siya sa daan pababa sa Bundok ng mga Olibo, nagsaya ang lahat ng alagad niya at sumigaw ng papuri sa Diyos dahil sa lahat ng makapangyarihang gawa na nakita nila. 38 Sinasabi nila: “Pinagpala siya na dumarating bilang Hari sa pangalan ni Jehova!* Kapayapaan sa langit, at kaluwalhatian sa mga kaitaasan!”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share