-
Job 38:8-11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 At sino ang nagharang ng mga pinto sa dagat+
Nang rumagasa ito mula sa pinanggalingan* nito,
9 Nang damtan ko ito ng mga ulap
At balutin ng makapal at maitim na ulap,
10 Nang lagyan ko ito ng hangganan
At ng mga halang at pinto,+
11 At nang sabihin ko, ‘Hanggang dito ka lang; hindi ka puwedeng lumampas;
Ito ang hangganan ng iyong naglalakihang mga alon’?+
-
-
Kawikaan 8:29Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
29 Nang bigyan niya ng batas ang dagat,
Na hindi dapat lumampas ang tubig nito sa itinakda niyang hangganan,*+
Nang ilagay niya ang mga pundasyon ng lupa,
-
Jeremias 5:22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
22 ‘Hindi ba kayo natatakot sa akin,’ ang sabi ni Jehova,
‘Hindi ba dapat kayong manginig sa harap ko?
Ako ang naglagay ng buhanginan bilang hangganan ng dagat,
Isang permanenteng tuntunin para hindi ito lumampas doon.
Humampas man ang mga alon nito, hindi magtatagumpay ang mga ito;
Umugong man ang mga alon, ang mga ito ay hindi pa rin makakalampas doon.+
-
-
-