Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Job 38:8-11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  8 At sino ang nagharang ng mga pinto sa dagat+

      Nang rumagasa ito mula sa pinanggalingan* nito,

       9 Nang damtan ko ito ng mga ulap

      At balutin ng makapal at maitim na ulap,

      10 Nang lagyan ko ito ng hangganan

      At ng mga halang at pinto,+

      11 At nang sabihin ko, ‘Hanggang dito ka lang; hindi ka puwedeng lumampas;

      Ito ang hangganan ng iyong naglalakihang mga alon’?+

  • Awit 33:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Tinitipon niya ang tubig ng dagat na parang nasa dam;+

      Inilalagay niya ang dumadaluyong na tubig sa mga imbakan.

  • Awit 104:6-9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Dinamtan mo ito ng malalim na tubig.+

      Natakpan ng tubig ang mga bundok.

       7 Nang sawayin mo sila, tumakas sila;+

      Pagkarinig sa tunog ng iyong kulog, nagtakbuhan sila sa takot

       8 —Umangat ang mga bundok+ at bumaba ang mga lambak—

      Sa lugar na inihanda mo para sa kanila.

       9 Nagtakda ka ng hangganan na hindi nila puwedeng lampasan,+

      Para hindi na nila muling takpan ang lupa.

  • Jeremias 5:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 ‘Hindi ba kayo natatakot sa akin,’ ang sabi ni Jehova,

      ‘Hindi ba dapat kayong manginig sa harap ko?

      Ako ang naglagay ng buhanginan bilang hangganan ng dagat,

      Isang permanenteng tuntunin para hindi ito lumampas doon.

      Humampas man ang mga alon nito, hindi magtatagumpay ang mga ito;

      Umugong man ang mga alon, ang mga ito ay hindi pa rin makakalampas doon.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share