-
Eclesiastes 2:18, 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 Kinamuhian ko ang lahat ng pinaghirapan ko sa ilalim ng araw,+ dahil maiiwan ko lang din ito sa kasunod ko.+ 19 At sino ang nakaaalam kung magiging marunong siya o mangmang?+ Pero siya ang mamamahala sa lahat ng bagay na pinagbuhusan ko ng lakas at karunungan sa ilalim ng araw. Wala rin itong kabuluhan.
-
-
Eclesiastes 4:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 May isang taong nag-iisa, walang sinumang kasama; wala siyang anak o kapatid, pero wala siyang tigil sa pagtatrabaho. Hindi nakokontento sa kayamanan ang mga mata niya.+ Pero naitatanong ba niya sa sarili, ‘Para kanino ako nagpapakahirap, at bakit ko pinagkakaitan ng mabubuting bagay ang sarili ko’?+ Ito rin ay walang kabuluhan at pagpapakapagod lang.+
-
-
Lucas 12:19, 20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 at sasabihin ko sa sarili ko: “Marami kang mabubuting bagay na nakaimbak para sa maraming taon; magpasarap ka na lang sa buhay, kumain, uminom, at magpakasaya.”’ 20 Pero sinabi ng Diyos sa kaniya, ‘Ikaw na di-makatuwiran, mamamatay ka* ngayong gabi. Kanino ngayon mapupunta ang mga bagay na inimbak mo?’+
-