Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 2:22-25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Napakatanda na ngayon ni Eli, at nabalitaan niya ang lahat ng ginagawa ng mga anak niya+ sa buong Israel at na sinisipingan nila ang mga babaeng naglilingkod sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.+ 23 Sinasabi niya sa kanila: “Bakit patuloy ninyong ginagawa ang mga bagay na ito? Naririnig ko sa lahat ang masasamang ginagawa ninyo. 24 Huwag ganiyan, mga anak ko, hindi maganda ang balitang kumakalat sa bayan ni Jehova. 25 Kung ang isang tao ay magkasala sa isa pang tao, may puwedeng makiusap kay Jehova para sa kaniya;* pero kung kay Jehova magkasala ang isang tao,+ sino ang mananalangin para sa kaniya?” Pero hindi sila nakinig sa kanilang ama, dahil ipinasiya na ni Jehova na patayin sila.+

  • 1 Samuel 8:1-3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Nang matanda na si Samuel, inatasan niya ang kaniyang mga anak bilang mga hukom sa Israel. 2 Ang pangalan ng panganay niya ay Joel, at ang ikalawa ay Abias;+ mga hukom sila sa Beer-sheba. 3 Pero ang mga anak niya ay hindi sumunod sa mga yapak niya; nandaraya sila para makinabang+ at tumatanggap ng suhol,+ at binabaluktot nila ang katarungan.+

  • 2 Samuel 15:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Agad na sinabi ni David sa lahat ng lingkod na kasama niya sa Jerusalem: “Halikayo, tumakas na tayo.+ Kung hindi, walang makaliligtas sa atin kay Absalom! Dalian ninyo, dahil baka maabutan niya tayo at patayin tayo at ang lahat ng tao sa lunsod!”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share