Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kawikaan 6:6-11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Matuto ka sa langgam, ikaw na tamad;+

      Tingnan mong mabuti ang ginagawa nito at magiging marunong ka.

       7 Kahit wala itong kumandante, opisyal, o tagapamahala,

       8 Nag-iimbak ito ng pagkain kapag tag-araw,+

      At nagtitipon ito ng pagkain sa panahon ng pag-aani.

       9 Ikaw na tamad, hanggang kailan ka hihiga riyan?

      Kailan ka babangon mula sa pagtulog?

      10 Kaunti pang tulog, kaunti pang idlip,

      Kaunti pang paghahalukipkip para magpahinga,+

      11 At biglang darating sa iyo ang kahirapan na parang magnanakaw,

      At ang kakapusan na parang armadong lalaki.+

  • Kawikaan 13:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  4 Naghahangad ang tamad pero wala siyang nakukuha,+

      Pero ang masipag ay talagang masisiyahan.*+

  • Kawikaan 19:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Ang kamay ng tamad ay dumadampot ng pagkain sa mangkok,

      Pero hindi man lang niya ito maisubo sa bibig niya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share