Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 19:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 “‘Huwag kayong hahatol nang di-makatarungan. Huwag mong kakampihan ang mahihirap o papaboran ang mayayaman.+ Dapat kang maging makatarungan sa paghatol sa iyong kapuwa.

  • Deuteronomio 1:16, 17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 “Inutusan ko noon ang mga hukom ninyo, ‘Kapag dinirinig ninyo ang kaso ng mga kapatid ninyo, maging makatarungan kayo sa paghatol,+ sa pagitan man ito ng dalawang Israelita o sa pagitan ng isang Israelita at ng dayuhang naninirahang kasama ninyo.+ 17 Maging patas kayo sa paghatol.+ Pareho ninyong pakinggan ang karaniwang tao at ang maimpluwensiya.+ Huwag kayong matakot sa tao,+ dahil humahatol kayo para sa Diyos;+ at kung napakahirap ng kaso, iharap ninyo iyon sa akin, at pakikinggan ko iyon.’+

  • Deuteronomio 16:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Huwag ninyong babaluktutin ang hustisya,+ at huwag kayong magtatangi+ o tatanggap ng suhol, dahil binubulag ng suhol ang mata ng marurunong+ at pinipilipit ang salita ng matuwid.

  • 2 Cronica 19:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Matakot kayo kay Jehova.+ Mag-ingat kayo sa ginagawa ninyo, dahil ang Diyos nating si Jehova ay laging makatarungan,+ walang kinikilingan,+ at hindi tumatanggap ng suhol.”+

  • 1 Timoteo 5:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Sa harap ng Diyos at ni Kristo Jesus at ng piniling mga anghel, inuutusan kita na sundin ang mga tagubiling ito nang patas at suriin mo munang mabuti ang lahat ng bagay bago magdesisyon.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share