-
1 Samuel 2:22-25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
22 Napakatanda na ngayon ni Eli, at nabalitaan niya ang lahat ng ginagawa ng mga anak niya+ sa buong Israel at na sinisipingan nila ang mga babaeng naglilingkod sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.+ 23 Sinasabi niya sa kanila: “Bakit patuloy ninyong ginagawa ang mga bagay na ito? Naririnig ko sa lahat ang masasamang ginagawa ninyo. 24 Huwag ganiyan, mga anak ko, hindi maganda ang balitang kumakalat sa bayan ni Jehova. 25 Kung ang isang tao ay magkasala sa isa pang tao, may puwedeng makiusap kay Jehova para sa kaniya;* pero kung kay Jehova magkasala ang isang tao,+ sino ang mananalangin para sa kaniya?” Pero hindi sila nakinig sa kanilang ama, dahil ipinasiya na ni Jehova na patayin sila.+
-
-
2 Cronica 36:15, 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 Patuloy silang binigyan ng babala ni Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno sa pamamagitan ng mga mensahero niya. Paulit-ulit niya silang binigyan ng babala, dahil naawa siya sa kaniyang bayan at sa kaniyang tahanan. 16 Pero palagi nilang iniinsulto ang mga mensahero ng tunay na Diyos,+ at hinamak nila ang mga salita niya+ at ang mga propeta niya,+ hanggang sa magliyab ang galit ni Jehova sa bayan niya,+ hanggang sa wala na silang pag-asang gumaling.
-