-
2 Samuel 12:9-11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Bakit mo hinamak ang salita ni Jehova at ginawa ang masama sa paningin niya? Pinabagsak mo si Uria na Hiteo sa pamamagitan ng espada!+ Pagkatapos, kinuha mo bilang asawa ang asawa niya+ matapos mong patayin si Uria sa pamamagitan ng espada ng mga Ammonita.+ 10 Ngayon, hindi kailanman iiwan ng espada ang sarili mong sambahayan,+ dahil hinamak mo ako nang kunin mo bilang asawa ang asawa ni Uria na Hiteo.’ 11 Ito ang sinabi ni Jehova: ‘Magdadala ako ng kapahamakan sa iyo mula sa sarili mong sambahayan;+ at sa harap mo mismo, kukunin ko ang mga asawa mo at ibibigay sa ibang lalaki,*+ at lantaran niyang sisipingan ang mga asawa mo.+
-