-
1 Samuel 13:12, 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 Kaya sinabi ko sa sarili ko, ‘Sasalakayin na ako dito sa Gilgal ng mga Filisteo, pero hindi ko pa nahihingi ang tulong* ni Jehova.’ Kaya napilitan akong ihandog ang haing sinusunog.”
13 Sinabi ni Samuel kay Saul: “Kamangmangan ang ginawa mo. Hindi mo sinunod ang iniutos sa iyo ni Jehova na iyong Diyos.+ Kung sumunod ka, patatatagin sana ni Jehova ang kaharian mo sa Israel magpakailanman.
-