Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 15:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Sinabi naman ni Samuel: “Alin ang mas makapagpapasaya kay Jehova: ang mga handog na sinusunog at mga hain,+ o ang pagsunod kay Jehova? Makinig ka! Ang pagsunod ay mas mabuti kaysa sa hain,+ at ang pagbibigay-pansin kaysa sa taba+ ng mga lalaking tupa;

  • Kawikaan 21:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  3 Ang paggawa ng tama at makatarungan

      Ay mas gusto ni Jehova kaysa sa hain.+

  • Isaias 1:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 “Ano ang pakinabang ko sa marami ninyong handog?”+ ang sabi ni Jehova.

      “Sawa na ako sa inyong mga lalaking tupa bilang handog na sinusunog+ at sa taba ng pinataba ninyong mga hayop,+

      At hindi ako nalulugod sa dugo+ ng mga batang toro+ at mga kordero* at mga kambing.+

  • Mikas 6:6-8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Ano ang dadalhin ko kapag humarap ako kay Jehova?

      Ano ang dadalhin ko sa pagyukod ko sa harap ng Diyos na nasa langit?

      Haharap ba ako sa kaniya na may dalang mga buong handog na sinusunog,

      Mga guya* na isang taóng gulang?+

       7 Matutuwa ba si Jehova sa libo-libong lalaking tupa,

      Sa napakaraming langis?+

      Ibibigay ko ba ang panganay kong lalaki para sa aking pagkakamali,

      Ang sarili kong anak para sa aking kasalanan?+

       8 Sinabi niya sa iyo, O tao, kung ano ang mabuti.

      At ano lang ang hinihiling sa iyo ni Jehova?

      Ang maging makatarungan,*+ ibigin ang katapatan,*+

      At maging mapagpakumbaba*+ sa paglakad na kasama ng iyong Diyos!+

  • Mateo 9:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Kaya alamin ninyo ang kahulugan nito, ‘Ang gusto ko ay awa at hindi hain.’+ Dahil dumating ako para tawagin, hindi ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan.”

  • Mateo 12:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Kung naintindihan ninyo ang kahulugan nito, ‘Ang gusto ko ay awa+ at hindi hain,’+ hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang-sala.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share