Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Cronica 36:15, 16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Patuloy silang binigyan ng babala ni Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno sa pamamagitan ng mga mensahero niya. Paulit-ulit niya silang binigyan ng babala, dahil naawa siya sa kaniyang bayan at sa kaniyang tahanan. 16 Pero palagi nilang iniinsulto ang mga mensahero ng tunay na Diyos,+ at hinamak nila ang mga salita niya+ at ang mga propeta niya,+ hanggang sa magliyab ang galit ni Jehova sa bayan niya,+ hanggang sa wala na silang pag-asang gumaling.

  • Isaias 42:24, 25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Sino ang nagbigay sa Jacob bilang samsam

      At sa Israel sa mga mandarambong?

      Hindi ba si Jehova, na pinagkasalahan natin?

      Hindi sila lumakad sa mga daan Niya,

      Hindi sila sumunod sa kautusan* Niya.+

      25 Kaya patuloy Siyang nagbuhos sa kaniya ng poot,

      Ng Kaniyang galit at ng bangis ng digmaan.+

      Nilamon nito ang lahat ng nasa palibot niya, pero hindi siya nagbigay-pansin.+

      Lumagablab ito laban sa kaniya, pero hindi niya ito isinapuso.+

  • Zacarias 1:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Galit na galit ako sa mga bansang panatag;+ bahagya lang ang galit ko,+ pero pinalaki nila ang kapahamakan.”’+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share