-
Levitico 16:21, 22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 Ipapatong ni Aaron ang dalawang kamay niya sa ulo ng buháy na kambing at ipagtatapat sa ibabaw nito ang lahat ng pagkakamali ng mga Israelita at lahat ng pagsuway nila at lahat ng kasalanan nila, at ilalagay niya ang mga iyon sa ulo ng kambing+ at ibibigay ito sa taong naatasang* magdala nito sa ilang. 22 Pakakawalan niya ang kambing, at dadalhin ng kambing sa ilang+ ang lahat ng kasalanan nila.+
-
-
1 Juan 2:1, 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Mahal kong mga anak, sumulat ako sa inyo tungkol sa mga bagay na ito para hindi kayo magkasala. Pero kung magkasala ang sinuman, may katulong* tayo na kasama ng Ama, ang matuwid na si Jesu-Kristo.+ 2 At siya ay pampalubag-loob na handog*+ para sa mga kasalanan natin,+ pero hindi lang para sa atin kundi para din sa buong sangkatauhan.*+
-