Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lucas 4:17-21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Kaya ibinigay sa kaniya ang balumbon ni propeta Isaias, at binuksan niya ang balumbon at nahanap ang pananalitang ito: 18 “Ang espiritu ni Jehova* ay sumasaakin dahil inatasan* niya ako na maghayag ng mabuting balita sa mahihirap. Isinugo niya ako para ihayag ang paglaya ng mga bihag at paggaling ng mga bulag, at para palayain ang mga naaapi,+ 19 para ipangaral ang taon ng kabutihang-loob ni Jehova.”*+ 20 Pagkarolyo sa balumbon, isinauli niya ito sa tagapaglingkod, at umupo siya; nakatingin sa kaniya ang lahat ng nasa sinagoga. 21 Pagkatapos, sinabi niya sa kanila: “Ang kasulatang ito na karirinig lang ninyo ay natutupad ngayon.”+

  • Lucas 7:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Sinabi niya sa kanila: “Sabihin ninyo kay Juan ang nakita ninyo at narinig: Ang mga bulag ay nakakakita na,+ ang mga lumpo ay nakalalakad, ang mga ketongin ay gumagaling, ang mga bingi ay nakaririnig,+ ang mga patay ay binubuhay, at ang mahihirap ay pinangangaralan ng mabuting balita.+

  • Gawa 26:17, 18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 At ililigtas kita mula sa bayang ito at mula sa mga bansa, kung saan kita isusugo+ 18 para idilat ang mga mata+ nila, para palayain sila mula sa kadiliman+ tungo sa liwanag+ at mula sa awtoridad ni Satanas+ tungo sa Diyos, at sa gayon ay mapatawad ang mga kasalanan+ nila at tumanggap sila ng mana kasama ng mga pinabanal dahil sa pananampalataya nila sa akin.’

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share