61 Ang espiritu ng Kataas-taasang Panginoong Jehova ay sumasaakin,+
Dahil inatasan ako ni Jehova na maghayag ng mabuting balita sa maaamo.+
Isinugo niya ako para pagalingin ang mga may pusong nasasaktan,
Para ihayag ang paglaya ng mga bihag
At ang pagmulat ng mga mata ng mga bilanggo.+
2 Para ihayag ang taon ng kabutihang-loob ni Jehova
At ang araw ng paghihiganti ng ating Diyos,+
Para aliwin ang lahat ng nagdadalamhati,+