Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jeremias 47:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 47 Ito ang sinabi ni Jehova sa propetang si Jeremias tungkol sa mga Filisteo,+ bago pabagsakin ng Paraon ang Gaza.

  • Ezekiel 25:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Gagamitin ko ang kapangyarihan* ko laban sa mga Filisteo,+ at lilipulin ko ang mga Kereteo+ at ang mga naiwang nakatira sa baybaying dagat.+

  • Joel 3:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  4 At ano ang problema ninyo sa akin,

      O Tiro at Sidon at lahat ng rehiyon sa Filistia?

      May nagawa ba akong masama sa inyo at ginagantihan ninyo ako?

      Kung ginagantihan ninyo ako,

      Agad-agad ko kayong gagantihan ayon sa mga ginawa ninyo.+

  • Amos 1:6-8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Ito ang sinabi ni Jehova,

      ‘“Dahil sa tatlong ulit na paghihimagsik ng Gaza,+ at dahil sa apat, ay hindi ko iyon iuurong,

      Dahil binihag nila ang isang buong bayan+ at ibinigay sa Edom.

       7 Kaya magpapadala ako ng apoy sa pader ng Gaza,+

      At tutupukin nito ang kaniyang matitibay na tore.

       8 Pupuksain ko ang mga nakatira sa Asdod+

      At ang namamahala* sa Askelon;+

      Pagbubuhatan ko ng kamay ang Ekron,+

      At ang matitirang mga Filisteo ay mamamatay,”+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.’

  • Zefanias 2:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  4 Dahil ang Gaza ay magiging abandonadong lunsod;

      At ang Askelon ay magiging tiwangwang.+

      Sa kasikatan ng araw* ay itataboy ang Asdod,

      At ang Ekron ay bubunutin.+

  • Zacarias 9:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Makikita ito ng Askelon at matatakot;

      Makadarama ng matinding paghihirap ang Gaza,

      Pati ang Ekron, dahil ang inaasahan nito ay mapapahiya.

      Mawawalan ng hari ang Gaza,

      At ang Askelon ay hindi paninirahan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share