Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 13:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 At ang Babilonya, ang pinakamaluwalhati sa* mga kaharian,+

      Ang kagandahan at ang ipinagmamalaki ng mga Caldeo,+

      Ay magiging gaya ng Sodoma at Gomorra noong pabagsakin ng Diyos ang mga ito.+

  • Isaias 14:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 bibigkasin mo ang kasabihang* ito laban sa hari ng Babilonya:

      “Wala na ang dating nagpapatrabaho nang sapilitan!

      Nagwakas na ang pagmamalupit!+

  • Isaias 45:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 45 Ito ang sinabi ni Jehova sa kaniyang pinili,* kay Ciro,+

      Na ang kanang kamay ay hinawakan ko+

      Para talunin ang mga bansa sa harap niya,+

      Para alisan ng lakas ang* mga hari,

      Para buksan sa harap niya ang dobleng pinto

      At hindi maisara ang mga pintuang-daan:

  • Jeremias 51:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  8 Biglang bumagsak ang Babilonya at nawasak.+

      Hagulgulan ninyo siya!+

      Kumuha kayo ng balsamo para sa kirot niya; baka sakaling gumaling siya.”

  • Daniel 5:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 “PERES, hinati ang kaharian mo at ibinigay sa mga Medo at mga Persiano.”+

  • Daniel 5:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 Nang mismong gabing iyon, napatay ang hari ng mga Caldeo na si Belsasar.+

  • Apocalipsis 14:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Sumunod ang ikalawang anghel, na nagsasabi: “Bumagsak na siya! Bumagsak na ang Babilonyang Dakila,+ ang nagpainom sa lahat ng bansa ng kaniyang alak ng matinding pagnanasa sa seksuwal na imoralidad!”*+

  • Apocalipsis 18:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 At sumigaw siya nang napakalakas: “Bumagsak na siya! Bumagsak na ang Babilonyang Dakila,+ at siya ay naging tahanan ng mga demonyo at tirahan ng bawat masamang* espiritu* at ng bawat marumi at kinasusuklamang ibon!+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share