Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 25:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  8 Lalamunin* niya ang kamatayan magpakailanman,+

      At papahirin ng Kataas-taasang* Panginoong Jehova ang mga luha sa lahat ng mukha.+

      Aalisin niya ang panghahamak sa kaniyang bayan mula sa buong lupa,

      Dahil si Jehova mismo ang nagsabi nito.

  • Oseas 13:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Tutubusin ko sila mula sa kapangyarihan ng Libingan;*

      Babawiin ko sila mula sa kamatayan.+

      Nasaan ang iyong kamandag, O Kamatayan?+

      Nasaan ang iyong pagiging mapamuksa, O Libingan?+

      Pero hindi pa rin maaawa ang mga mata ko.

  • Marcos 12:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 Pero tungkol sa pagkabuhay-muli, hindi ba ninyo nabasa sa aklat ni Moises, sa ulat tungkol sa matinik na halaman,* na sinabi ng Diyos sa kaniya: ‘Ako ang Diyos ni Abraham at Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob’?+

  • Juan 5:28, 29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Huwag kayong mamangha rito, dahil darating ang panahon na ang lahat ng nasa mga libingan* ay makaririnig sa tinig niya+ 29 at mabubuhay silang muli—ang mga gumawa ng mabubuting bagay, tungo sa pagkabuhay-muli sa buhay, pero ang mga gumawa ng masasamang bagay, tungo sa paghatol.+

  • Juan 11:24, 25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Sinabi ni Marta: “Alam kong mabubuhay siyang muli+ sa huling araw.” 25 Sinabi ni Jesus: “Ako ang pagkabuhay-muli at ang buhay.+ Siya na nananampalataya sa akin, kahit mamatay siya, ay mabubuhay;

  • Gawa 24:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 At umaasa ako, gaya rin ng mga taong ito, na bubuhaying muli+ ng Diyos ang mga matuwid at di-matuwid.+

  • 1 Corinto 15:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Kung paanong nagkaroon ng kamatayan sa pamamagitan ng isang tao,+ ang pagkabuhay-muli ay sa pamamagitan din ng isang tao.+

  • 1 Tesalonica 4:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Dahil kung nananampalataya tayo na namatay si Jesus at nabuhay-muli,+ nananampalataya rin tayong bubuhayin ng Diyos ang mga namatay* na kaisa ni Jesus para makasama niya.*+

  • Apocalipsis 20:12, 13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 At nakita ko ang mga patay, ang mga dakila at ang mga hamak, na nakatayo sa harap ng trono, at binuksan ang mga balumbon. Pero may isa pang balumbon na binuksan; ito ang balumbon ng buhay.+ Ang mga patay ay hinatulan sa mga ginawa nila batay sa mga nakasulat sa mga balumbon.+ 13 At ibinigay ng dagat ang mga patay na naroon, at ibinigay ng kamatayan at ng Libingan* ang mga patay na nasa mga ito, at hinatulan ang bawat isa sa kanila ayon sa mga ginawa nila.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share