31 Tungkol sa pagkabuhay-muli ng mga patay, hindi ba ninyo nabasa ang sinabi sa inyo ng Diyos: 32 ‘Ako ang Diyos ni Abraham at ang Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob’?+ Siya ang Diyos, hindi ng mga patay, kundi ng mga buháy.”+
13 Sa halip, kapag naghanda ka, imbitahan mo ang mahihirap, mga pilay, mga bulag, at iba pang may kapansanan;+14 at magiging maligaya ka, dahil wala silang maisusukli sa iyo. Susuklian ka sa pagkabuhay-muli+ ng mga matuwid.”
28 Huwag kayong mamangha rito, dahil darating ang panahon na ang lahat ng nasa mga libingan* ay makaririnig sa tinig niya+29 at mabubuhay silang muli—ang mga gumawa ng mabubuting bagay, tungo sa pagkabuhay-muli sa buhay, pero ang mga gumawa ng masasamang bagay, tungo sa paghatol.+
35 Binuhay-muli ang namatay na mga mahal sa buhay ng mga babae,+ pero ang ibang tao ay pinahirapan dahil tumanggi silang mapalaya sa pamamagitan ng anumang pantubos, para magkaroon sila ng mas mabuting pagkabuhay-muli.
12 At nakita ko ang mga patay, ang mga dakila at ang mga hamak, na nakatayo sa harap ng trono, at binuksan ang mga balumbon. Pero may isa pang balumbon na binuksan; ito ang balumbon ng buhay.+ Ang mga patay ay hinatulan sa mga ginawa nila batay sa mga nakasulat sa mga balumbon.+