Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Josue 10:8-14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At sinabi ni Jehova kay Josue: “Huwag kang matakot sa kanila,+ dahil ibinigay ko na sila sa iyo.+ Walang isa man sa kanila ang magtatagumpay laban sa iyo.”+ 9 Naglakbay si Josue nang buong gabi mula sa Gilgal at bigla nilang sinalakay ang mga kaaway. 10 Nilito ni Jehova ang mga ito sa harap ng Israel,+ at marami sa kanila ang pinatay ng mga Israelita sa Gibeon; hinabol sila ng mga Israelita sa paakyat na daan ng Bet-horon at pinatay sila hanggang sa Azeka at Makeda. 11 Habang tumatakas sila sa mga Israelita at bumababa ng Bet-horon, nagpabagsak si Jehova ng malalaking tipak ng yelo* mula sa langit hanggang sa Azeka, at namatay sila. Sa katunayan, mas marami ang namatay sa pag-ulan ng yelo kaysa sa napatay ng mga Israelita sa pamamagitan ng espada.

      12 Nang araw na iyon, kung kailan ibinigay ni Jehova ang mga Amorita sa kamay ng mga Israelita, sinabi ni Josue kay Jehova sa harap ng mga Israelita:

      “Araw, huminto ka+ sa Gibeon,+

      At buwan, sa Lambak* ng Aijalon!”

      13 Kaya ang araw ay huminto at ang buwan ay hindi gumalaw hanggang sa makapaghiganti ang bansa sa mga kaaway nito. Hindi ba nakasulat ito sa aklat na Jasar?+ Ang araw ay huminto sa gitna ng langit at hindi lumubog sa loob ng halos isang araw. 14 Ngayon lang nangyari at hindi na naulit pa na nakinig si Jehova sa tinig ng tao+ sa ganoong paraan, dahil si Jehova ang nakikipaglaban para sa Israel.+

  • 2 Samuel 5:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Kaya pumunta si David sa Baal-perazim, at pinabagsak sila roon ni David. At sinabi niya: “Pinabagsak ni Jehova ang mga kaaway ko,+ gaya ng pader na nawasak dahil sa tubig.” Kaya tinawag niya ang lugar na iyon na Baal-perazim.*+

  • 1 Cronica 14:10-16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Nagtanong si David sa Diyos: “Lalaban ba ako sa mga Filisteo? Ibibigay mo ba sila sa kamay ko?” Sinabi ni Jehova sa kaniya: “Lumaban ka, dahil ibibigay ko sila sa kamay mo.”+ 11 Kaya pumunta si David sa Baal-perazim+ at pinabagsak niya sila roon. At sinabi ni David: “Sa pamamagitan ng kamay ko, pinabagsak ng tunay na Diyos ang mga kaaway ko, gaya ng pader na nawasak dahil sa tubig.” Kaya tinawag nila ang lugar na iyon na Baal-perazim.* 12 Iniwan doon ng mga Filisteo ang mga idolo nila. At sinunog ang mga iyon nang ipag-utos ito ni David.+

      13 Nang maglaon, sumalakay ulit sa lambak* ang mga Filisteo.+ 14 Muling sumangguni si David sa Diyos, pero sinabi sa kaniya ng tunay na Diyos: “Huwag kang lumusob sa harapan. Sa halip, pumunta ka sa likuran nila, at salakayin mo sila sa harap ng mga halamang* baca.+ 15 At kapag may narinig kang tunog na gaya ng mga yabag sa ibabaw ng mga halamang baca, sumalakay ka na, dahil nauna nang lumabas ang tunay na Diyos para pabagsakin ang hukbo ng mga Filisteo.”+ 16 At ginawa ni David ang iniutos sa kaniya ng tunay na Diyos,+ at pinabagsak nila ang hukbo ng mga Filisteo mula sa Gibeon hanggang sa Gezer.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share