Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 11:6, 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Ang lobo* ay magpapahingang kasama ng kordero,*+

      Ang leopardo ay hihigang kasama ng batang kambing,

      At ang guya* at ang leon at ang pinatabang hayop ay magsasama-sama;*+

      At isang munting bata ang aakay sa kanila.

       7 Ang baka at ang oso ay magkasamang manginginain;

      At ang mga anak ng mga ito ay hihigang magkakasama.

      Ang leon ay kakain ng dayami gaya ng toro.+

  • Isaias 65:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Ang lobo* at ang kordero* ay manginginaing magkasama,

      Ang leon ay kakain ng dayami gaya ng toro,+

      At ang kakainin ng ahas ay alabok.

      Hindi sila mananakit o maninira sa aking buong banal na bundok,”+ ang sabi ni Jehova.

  • Ezekiel 34:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 “‘“At makikipagtipan ako sa kanila para sa kapayapaan,+ at aalisin ko sa lupain ang mababangis na hayop,+ para makapanirahan sila sa ilang nang panatag at makatulog sa mga gubat.+

  • Oseas 2:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Sa araw na iyon, makikipagtipan ako sa mababangis na hayop sa parang alang-alang sa bayan ko,+

      Pati sa mga ibon sa langit at gumagapang na nilikha sa lupa;+

      Aalisin ko sa lupain ang pana at espada at digmaan,+

      At maninirahan* sila nang panatag.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share