Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 3:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Nang mga araw na iyon, si Juan+ Bautista ay dumating sa ilang ng Judea at nangaral.+

  • Mateo 3:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Ang totoo, siya ang tinutukoy ng propetang si Isaias+ nang sabihin nito: “May sumisigaw sa ilang, ‘Ihanda ninyo ang dadaanan ni Jehova!* Patagin ninyo ang lalakaran niya.’”+

  • Marcos 1:2-4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Nakasulat sa aklat ng propetang si Isaias: “(Isinusugo ko ang aking mensahero sa unahan mo, na maghahanda ng iyong dadaanan.)+ 3 May sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang dadaanan ni Jehova!* Patagin ninyo ang lalakaran niya.’”+ 4 Si Juan na Tagapagbautismo ay nasa ilang para mangaral tungkol sa bautismo bilang sagisag ng pagsisisi para sa kapatawaran ng mga kasalanan.+

  • Lucas 3:3-6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Kaya pumunta siya sa lahat ng lugar sa palibot ng Jordan para mangaral tungkol sa bautismo bilang sagisag ng pagsisisi para sa kapatawaran ng mga kasalanan,+ 4 gaya ng nakasulat sa aklat ni propeta Isaias: “May sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang dadaanan ni Jehova!* Patagin ninyo ang lalakaran niya.+ 5 Bawat lambak ay tatambakan, at bawat bundok at burol ay papatagin; ang paliko-likong mga daan ay magiging tuwid, at ang malubak na mga daan ay magiging patag; 6 at makikita ng lahat ng tao* ang pagliligtas ng Diyos.’”*+

  • Juan 1:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Sinabi niya: “Ako ang isa na sumisigaw sa ilang, ‘Patagin* ninyo ang dadaanan ni Jehova,’*+ gaya ng sinabi ni propeta Isaias.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share