-
Isaias 2:2, 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Sa huling bahagi ng mga araw,*
Ang bundok ng bahay ni Jehova
Ay itatatag nang matibay at mas mataas pa sa tuktok ng mga bundok,+
At iyon ay gagawing mas mataas pa sa mga burol,
At dadagsa roon ang lahat ng bansa.+
3 At maraming bayan ang magpupunta roon at magsasabi:
“Halikayo, umakyat tayo sa bundok ni Jehova,
Sa bahay ng Diyos ni Jacob.+
Tuturuan niya tayo tungkol sa kaniyang mga daan,
At lalakad tayo sa kaniyang mga landas.”+
-
-
Isaias 56:6, 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 Kung tungkol sa mga dayuhan na pumanig kay Jehova para sumamba sa kaniya,
Para ibigin ang pangalan ni Jehova+
At maging mga lingkod niya,
Lahat ng nangingilin ng Sabbath at hindi lumalapastangan dito
At nanghahawakan sa aking tipan,
7 Dadalhin ko rin sila sa aking banal na bundok,+
At magsasaya sila sa loob ng aking bahay-panalanginan.
Ang kanilang mga buong handog na sinusunog at ang kanilang mga hain ay tatanggapin sa altar ko.
Dahil ang bahay ko ay tatawaging bahay-panalanginan para sa lahat ng bayan.”+
-
-
Mikas 4:1, 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Sa huling bahagi ng mga araw,*
Ang bundok ng bahay ni Jehova+
Ay itatatag nang matibay at mas mataas pa sa tuktok ng mga bundok,
At iyon ay gagawing mas mataas pa sa mga burol,
At dadagsa roon ang mga bayan.+
2 At maraming bansa ang magpupunta roon at magsasabi:
“Halikayo, umakyat tayo sa bundok ni Jehova
At sa bahay ng Diyos ni Jacob.+
Tuturuan niya tayo tungkol sa kaniyang mga daan,
At lalakad tayo sa kaniyang mga landas.”
Dahil ang kautusan* ay lalabas mula sa Sion,
At ang salita ni Jehova mula sa Jerusalem.
-
-
Zacarias 8:22, 23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
22 At maraming bayan at makapangyarihang bansa ang pupunta sa Jerusalem para hanapin si Jehova ng mga hukbo+ at para makiusap kay* Jehova.’
23 “Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘Sa panahong iyon, 10 lalaki mula sa lahat ng wika ng mga bansa+ ang hahawak, oo, hahawak sila nang mahigpit sa damit* ng isang Judio* at magsasabi: “Gusto naming sumama sa inyo,+ dahil nabalitaan naming ang Diyos ay sumasainyo.”’”+
-