Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Cronica 36:20, 21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Ginawa niyang bihag sa Babilonya ang mga hindi namatay sa espada,+ at ang mga ito ay naging mga lingkod niya+ at ng mga anak niya hanggang sa magsimulang mamahala ang kaharian ng Persia,+ 21 para matupad ang salita ni Jehova na binigkas ni Jeremias,+ hanggang sa makabawi ang lupain sa mga sabbath nito.+ Sa buong panahon na tiwangwang ang lupain, nagpahinga ito,* para matupad ang 70 taon.+

  • Ezra 1:1-3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 1 Nang unang taon ni Haring Ciro+ ng Persia, para matupad ang salita ni Jehova na inihayag ni Jeremias,+ inudyukan ni Jehova si* Haring Ciro ng Persia na isulat at ipahayag sa buong kaharian niya ang proklamasyong ito:+

      2 “Ito ang sinabi ni Haring Ciro ng Persia, ‘Ibinigay sa akin ni Jehova na Diyos ng langit ang lahat ng kaharian sa lupa,+ at inatasan niya akong ipagtayo siya ng isang bahay sa Jerusalem,+ na nasa Juda. 3 Sinuman sa inyo na kabilang sa bayan niya, gabayan sana siya ng kaniyang Diyos. Magpunta siya sa Jerusalem, na nasa Juda, at muling itayo ang bahay ni Jehova na Diyos ng Israel—siya ang tunay na Diyos—na ang bahay ay nasa Jerusalem.*

  • Daniel 9:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 oo, sa unang taon ng paghahari niya, naunawaan ko, akong si Daniel, sa pamamagitan ng mga aklat,* ayon sa sinabi ni Jehova kay Jeremias na propeta, na ang bilang ng mga taon na mananatiling wasak ang Jerusalem+ ay 70 taon.+

  • Zacarias 1:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Kaya sinabi ng anghel ni Jehova: “O Jehova ng mga hukbo, hanggang kailan mo ipagkakait ang iyong awa sa Jerusalem at sa mga lunsod ng Juda,+ na 70 taon+ mo nang kinapopootan?”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share