18 Ito ang sinabi ni Jehova:
“Titipunin ko ang mga nabihag mula sa mga tolda ng Jacob,+
At maaawa ako sa mga tabernakulo niya.
Muling itatayo ang lunsod sa burol niya,+
At ang matibay na tore ay ibabalik sa dating kinatatayuan nito.
19 At mula sa kanila ay maririnig ang pasasalamat at ang tawanan.+
Pararamihin ko sila, at hindi sila magiging kaunti;+
Palalakihin ko ang bilang nila,
At hindi sila hahamakin.+