Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 4:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 At kapag tumingin kayo sa langit at nakita ninyo ang araw, buwan, at mga bituin—ang buong hukbo ng langit—huwag kayong matutuksong yumukod at maglingkod sa mga iyon.+ Ibinigay ng Diyos ninyong si Jehova ang mga iyon sa lahat ng bayan sa ibabaw ng lupa.*

  • 2 Hari 17:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Palagi nilang binabale-wala ang lahat ng utos ni Jehova na kanilang Diyos, at gumawa sila ng metal na estatuwa ng dalawang guya*+ at isang sagradong poste,*+ at yumukod sila sa buong hukbo ng langit+ at naglingkod kay Baal.+

  • Jeremias 8:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 “Sa panahong iyon,” ang sabi ni Jehova, “ang mga buto ng mga hari ng Juda, ang mga buto ng matataas na opisyal nito, ang mga buto ng mga saserdote, ang mga buto ng mga propeta, at ang mga buto ng mga taga-Jerusalem ay kukunin mula sa libingan nila. 2 Ilalantad ang mga iyon sa araw at sa buwan at sa buong hukbo ng langit na inibig nila at pinaglingkuran at sinundan at hinanap at niyukuran.+ Hindi titipunin ang mga iyon o ililibing man. Ang mga iyon ay magiging gaya ng dumi sa ibabaw ng lupa.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share