-
Ezekiel 10:15-17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 At pumapaitaas ang mga kerubin—sila rin ang buháy na mga nilalang* na nakita ko sa may ilog ng Kebar+— 16 at kapag umaalis ang mga kerubin, sumasama rin ang mga gulong; at kapag itinataas ng mga kerubin ang mga pakpak nila para pumaitaas mula sa lupa, ang mga gulong ay hindi bumabaling o umaalis sa tabi nila.+ 17 Kapag humihinto sila, humihinto ang mga ito; at kapag pumapaitaas sila, pumapaitaas din ang mga ito, dahil ang espiritung nasa buháy na mga nilalang* ay nasa mga ito rin.
-