-
Ezekiel 1:19-21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 Kapag umaalis ang buháy na mga nilalang, sumasama rin ang mga gulong, at kapag pumapaitaas mula sa lupa ang buháy na mga nilalang, pumapaitaas din ang mga gulong.+ 20 Pumupunta sila kung saan sila akayin ng espiritu, saanman pumunta ang espiritu. Ang mga gulong ay pumapaitaas din kasabay nila, dahil ang espiritung nasa buháy na mga nilalang* ay nasa mga gulong din. 21 Kapag umaalis sila, umaalis ang mga ito; at kapag humihinto sila, humihinto ang mga ito; at kapag pumapaitaas sila mula sa lupa, pumapaitaas din ang mga gulong kasabay nila, dahil ang espiritung nasa buháy na mga nilalang ay nasa mga gulong din.
-