-
2 Hari 17:14, 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Pero hindi sila nakinig, at nanatiling matigas ang ulo nila* gaya ng mga ninuno nila na hindi nanampalataya kay Jehova na kanilang Diyos.+ 15 Patuloy nilang itinakwil ang mga tuntunin niya at ang pakikipagtipan niya+ sa mga ninuno nila at ang mga paalaalang ibinigay niya bilang babala sa kanila,+ at patuloy silang sumunod sa walang-silbing mga idolo+ at sila mismo ay naging walang silbi rin.+ Tinularan nila ang mga bansang nasa palibot nila kahit na inutusan sila ni Jehova na huwag tularan ang mga ito.+
-