Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 30:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Ibabalik kayo ng Diyos ninyong si Jehova sa lupaing naging pag-aari ng inyong mga ninuno, at magiging pag-aari ninyo iyon; at gagawan niya kayo ng mabuti at pararamihin kayo nang higit kaysa sa inyong mga ninuno.+

  • Isaias 65:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Magtatayo sila ng mga bahay at titira sa mga iyon,+

      At magtatanim sila ng ubas at kakainin ang bunga nito.+

  • Jeremias 32:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Dahil ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ‘Ang mga bahay, mga bukid, at mga ubasan ay muling mabibili sa lupaing ito.’”+

  • Ezekiel 28:25, 26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 “‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Kapag muli kong tinipon ang sambahayan ng Israel mula sa mga bayan kung saan sila nangalat,+ mapababanal ako dahil sa kanila sa harap ng mga bansa.+ At maninirahan sila sa kanilang lupain+ na ibinigay ko sa lingkod kong si Jacob.+ 26 Maninirahan sila roon nang panatag+ at magtatayo ng bahay at magtatanim ng ubas,+ at maninirahan sila nang panatag kapag inilapat ko ang hatol sa lahat ng nakapalibot sa kanila na humahamak sa kanila;+ at malalaman nila na ako ang Diyos nilang si Jehova.”’”

  • Amos 9:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Titipunin kong muli ang mga nabihag sa bayan kong Israel,+

      At itatayo nilang muli ang abandonadong mga lunsod at titirhan ang mga ito;+

      Magtatanim sila ng ubas at iinumin ang alak na gawa roon,+

      At gagawa sila ng mga hardin at kakainin ang bunga ng mga ito.’+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share