-
Ezekiel 34:23, 24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
23 Maglalaan ako sa kanila ng isang pastol,+ ang lingkod kong si David,+ at pakakainin niya sila. Siya mismo ang magpapakain sa kanila at magiging pastol nila.+ 24 At akong si Jehova ang magiging Diyos nila,+ at ang lingkod kong si David ay magiging pinuno nila.+ Ako mismong si Jehova ang nagsalita.
-
-
Ezekiel 37:24, 25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
24 “‘“Ang lingkod kong si David ang magiging hari nila,+ at magkakaroon sila ng iisang pastol.+ Isasagawa nila ang mga hudisyal na pasiya ko at susundin ang mga batas ko.+ 25 Maninirahan sila sa lupaing ibinigay ko sa lingkod kong si Jacob, kung saan tumira ang inyong mga ninuno,+ at titira sila roon magpakailanman,+ sila at ang mga anak nila at ang mga anak ng mga anak nila;+ at ang lingkod kong si David ang magiging pinuno* nila magpakailanman.+
-
-
Amos 9:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 ‘Sa araw na iyon ay itatayo ko ang nakabuwal na kubol* ni David,+
Kukumpunihin ko ang* mga butas,
At ang nawasak na mga bahagi nito ay aayusin ko;
Muli ko itong itatayo gaya noong unang panahon,+
-
Lucas 1:31-33Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
31 Magdadalang-tao* ka at magkakaanak ng isang lalaki,+ at papangalanan mo siyang Jesus.+ 32 Siya ay magiging dakila+ at tatawaging Anak ng Kataas-taasan,+ at ibibigay sa kaniya ng Diyos na Jehova* ang trono ni David na kaniyang ama,+ 33 at maghahari siya sa sambahayan ni Jacob magpakailanman, at hindi magkakaroon ng wakas ang kaniyang Kaharian.”+
-
-
-