-
Isaias 9:6, 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
Siya ay tatawaging Kamangha-manghang Tagapayo,+ Makapangyarihang Diyos,+ Walang-Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.
7 Ang paglawak ng pamamahala* niya
At ang kapayapaan ay hindi magwawakas+
Sa trono ni David+ at sa kaniyang kaharian
Para itatag ito nang matibay+ at panatilihin
Sa pamamagitan ng katarungan+ at katuwiran,+
Ngayon at magpakailanman.
Mangyayari ito dahil sa sigasig ni Jehova ng mga hukbo.
-
-
Isaias 16:5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 At isang trono ang matibay na matatatag sa tapat na pag-ibig.
-
-
Ezekiel 37:24, 25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
24 “‘“Ang lingkod kong si David ang magiging hari nila,+ at magkakaroon sila ng iisang pastol.+ Isasagawa nila ang mga hudisyal na pasiya ko at susundin ang mga batas ko.+ 25 Maninirahan sila sa lupaing ibinigay ko sa lingkod kong si Jacob, kung saan tumira ang inyong mga ninuno,+ at titira sila roon magpakailanman,+ sila at ang mga anak nila at ang mga anak ng mga anak nila;+ at ang lingkod kong si David ang magiging pinuno* nila magpakailanman.+
-
-
Lucas 1:31-33Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
31 Magdadalang-tao* ka at magkakaanak ng isang lalaki,+ at papangalanan mo siyang Jesus.+ 32 Siya ay magiging dakila+ at tatawaging Anak ng Kataas-taasan,+ at ibibigay sa kaniya ng Diyos na Jehova* ang trono ni David na kaniyang ama,+ 33 at maghahari siya sa sambahayan ni Jacob magpakailanman, at hindi magkakaroon ng wakas ang kaniyang Kaharian.”+
-