Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 11:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 magpapaulan ako sa lupain ninyo sa takdang panahon nito, sa taglagas at sa tagsibol, at magtitipon kayo ng mga butil, bagong alak, at langis.+

  • Jeremias 14:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Mayroon bang sinuman sa walang-silbing mga idolo ng mga bansa na makapagpapaulan,

      O may sarili bang kakayahan ang langit na magbuhos ng ulan?

      Hindi ba ikaw lang, O Jehova na aming Diyos, ang makagagawa nito?+

      At umaasa kami sa iyo,

      Dahil ikaw lang ang gumagawa ng lahat ng ito.

  • Jeremias 51:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Kapag ipinaririnig niya ang kaniyang tinig,

      Ang tubig sa langit ay naliligalig,

      At nagpapailanlang siya ng mga ulap* mula sa mga dulo ng lupa.

      Gumagawa siya ng kidlat* para sa ulan,

      At inilalabas niya ang hangin mula sa kaniyang mga imbakan.+

  • Ezekiel 34:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 Gagawin ko silang pagpapala, pati ang lupain sa palibot ng aking burol,+ at magpapaulan ako sa tamang panahon. Bubuhos ang pagpapala gaya ng ulan.+

  • Joel 2:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Kayong mga anak ng Sion, magalak kayo at magsaya dahil sa Diyos ninyong si Jehova;+

      Dahil bibigyan niya kayo ng sapat na ulan sa taglagas,

      At magpapaulan siya,

      Ulan sa taglagas at ulan sa tagsibol, gaya nang dati.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share