-
Mateo 19:8, 9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Sinabi niya sa kanila: “Dahil sa katigasan ng puso ninyo, pinahintulutan kayo ni Moises na diborsiyuhin ang inyong mga asawang babae,+ pero hindi ganoon sa pasimula.+ 9 Sinasabi ko sa inyo na ang sinumang dumiborsiyo sa kaniyang asawang babae, malibang dahil sa seksuwal na imoralidad,* at mag-asawa ng iba ay nangangalunya.”+
-
-
Marcos 10:5-9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Pero sinabi ni Jesus sa kanila: “Isinulat niya ang utos na ito dahil sa katigasan ng puso ninyo.+ 6 Pero mula sa pasimula ng paglalang, ‘ginawa Niya silang lalaki at babae.+ 7 Dahil dito ay iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ina,+ 8 at ang dalawa ay magiging isang laman,’+ kaya hindi na sila dalawa, kundi isang laman. 9 Kaya ang pinagsama* ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinumang tao.”+
-