14 At sinasabi ninyo, ‘Bakit?’ Si Jehova ay saksi laban sa iyo, dahil pinagtaksilan mo ang asawang pinakasalan mo noong kabataan ka pa, kahit na kapareha mo siya at legal na asawa.*+
32 Pero sinasabi ko sa inyo na kapag diniborsiyo ng isa ang kaniyang asawang babae, malibang dahil sa seksuwal na imoralidad,* inilalagay niya ito sa panganib na mangalunya, at sinumang mag-asawa ng babaeng diniborsiyo ay nangangalunya.+
11 Sinabi niya sa kanila: “Ang sinumang dumiborsiyo sa kaniyang asawang babae at mag-asawa ng iba ay nangangalunya+ at nagkakasala sa kaniyang asawa, 12 at kung ang isang babae ay mag-asawa ng iba pagkatapos makipagdiborsiyo sa asawa niya, nangangalunya siya.”+
18 “Ang sinumang nakikipagdiborsiyo sa kaniyang asawang babae at nag-aasawa ng iba ay nangangalunya, at ang sinumang nag-aasawa ng babaeng diniborsiyo ng asawa nito ay nangangalunya.+
3 Kaya kung mag-asawa siya ng ibang lalaki habang buháy pa ang asawa niya, siya ay nangangalunya.+ Pero kung mamatay ang asawa niya, magiging malaya na siya mula sa kautusan nito, kaya hindi siya nangangalunya kapag nag-asawa siya ng ibang lalaki.+
10 Sa mga may asawa, nagbibigay ako ng mga tagubilin, hindi galing sa akin kundi sa Panginoon, na huwag makipaghiwalay ang asawang babae sa asawa niya.+
4 Maging marangal nawa para sa lahat ang pag-aasawa, at huwag nawang madungisan ang higaang pangmag-asawa,+ dahil hahatulan ng Diyos ang mga nagkakasala ng seksuwal na imoralidad* at ang mga nangangalunya.+