-
Marcos 3:16-19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 At ang 12+ pinili* niya ay si Simon, na binigyan din niya ng pangalang Pedro,+ 17 si Santiago na anak ni Zebedeo at si Juan na kapatid ni Santiago (binigyan din niya ang mga ito ng pangalang Boanerges, na nangangahulugang “Mga Anak ng Kulog”),+ 18 si Andres, si Felipe, si Bartolome, si Mateo, si Tomas, si Santiago na anak ni Alfeo, si Tadeo, si Simon na Cananeo,* 19 at si Hudas Iscariote, na bandang huli ay nagtraidor sa kaniya.
Pagkatapos ay pumasok si Jesus sa isang bahay,
-
-
Lucas 6:13-16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 Nang umaga na, tinawag niya ang mga alagad niya at pumili sa kanila ng 12, at tinawag niya silang mga apostol:+ 14 si Simon na tinawag din niyang Pedro, si Andres na kapatid nito, si Santiago, si Juan, si Felipe,+ si Bartolome, 15 si Mateo, si Tomas,+ si Santiago na anak ni Alfeo, si Simon na tinatawag na “masigasig,” 16 si Hudas na anak ni Santiago, at si Hudas Iscariote na naging traidor.
-