-
Mateo 10:2-4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Ito ang 12 apostol:+ Si Simon, na tinatawag na Pedro,+ at si Andres+ na kapatid niya; si Santiago na anak ni Zebedeo at ang kapatid niyang si Juan;+ 3 si Felipe at si Bartolome;+ si Tomas+ at si Mateo+ na maniningil ng buwis; si Santiago na anak ni Alfeo at si Tadeo; 4 si Simon na Cananeo;* at si Hudas Iscariote, na bandang huli ay nagtraidor sa kaniya.+
-
-
Marcos 3:14-19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 At pumili* siya ng 12 at tinawag niya silang mga apostol. Sila ang makakasama niya at isusugo para mangaral 15 at bibigyan ng awtoridad na magpalayas ng mga demonyo.+
16 At ang 12+ pinili* niya ay si Simon, na binigyan din niya ng pangalang Pedro,+ 17 si Santiago na anak ni Zebedeo at si Juan na kapatid ni Santiago (binigyan din niya ang mga ito ng pangalang Boanerges, na nangangahulugang “Mga Anak ng Kulog”),+ 18 si Andres, si Felipe, si Bartolome, si Mateo, si Tomas, si Santiago na anak ni Alfeo, si Tadeo, si Simon na Cananeo,* 19 at si Hudas Iscariote, na bandang huli ay nagtraidor sa kaniya.
Pagkatapos ay pumasok si Jesus sa isang bahay,
-