Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Marcos 3:1-6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Muli siyang pumasok sa isang sinagoga, at naroon ang isang lalaking may tuyot na* kamay.+ 2 Kaya inaabangan nila kung pagagalingin niya ang lalaki sa Sabbath, para maakusahan nila siya. 3 Sinabi niya sa lalaki na may tuyot na* kamay: “Tumayo ka at pumunta ka sa gitna.” 4 Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Ano ang tamang gawin kapag Sabbath: gumawa ng mabuti o ng masama, magligtas ng buhay* o pumatay?”+ Pero hindi sila kumibo. 5 Tiningnan niya sila nang may galit. Lungkot na lungkot siya dahil manhid ang puso nila.+ Kaya sinabi niya sa lalaki: “Iunat mo ang kamay mo.” At iniunat niya iyon, at gumaling ang kamay niya. 6 Kaya lumabas ang mga Pariseo at agad na nakipagsabuwatan sa mga tagasuporta ni Herodes+ para maipapatay si Jesus.

  • Lucas 6:6-11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Sa isa pang araw ng Sabbath,+ pumasok siya sa sinagoga at nagturo. At may isang lalaki roon na tuyot* ang kanang kamay.+ 7 Inaabangan ng mga eskriba at mga Pariseo kung magpapagaling si Jesus sa Sabbath para makahanap sila ng maiaakusa sa kaniya. 8 Pero alam niya kung ano ang iniisip nila,+ kaya sinabi niya sa lalaki na may tuyot na* kamay: “Tumayo ka sa gitna.” Tumayo siya at pumunta roon. 9 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kanila: “Tatanungin ko kayo, Ano ang tamang gawin kapag Sabbath: gumawa ng mabuti o ng masama, magligtas ng buhay o pumatay?”+ 10 Pagkatingin niya sa lahat ng nakapalibot, sinabi niya sa lalaki: “Iunat mo ang kamay mo.” Gayon nga ang ginawa ng lalaki, at gumaling ang kamay nito. 11 Pero nagalit sila nang husto, at nagsimula silang mag-usap-usap kung ano ang gagawin nila kay Jesus.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share