-
1 Corinto 2:9, 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Gaya ng nasusulat: “Hindi nakita ng mata, hindi narinig ng tainga, at hindi pumasok sa isip* ng tao ang mga bagay na inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kaniya.”+ 10 Sa atin isiniwalat ng Diyos ang mga ito+ sa pamamagitan ng kaniyang espiritu,+ dahil sinasaliksik ng espiritu ang lahat ng bagay, maging ang malalalim na bagay ng Diyos.+
-
-
Efeso 1:9-12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Ginawa niya ito nang ipaalám niya sa atin ang sagradong lihim+ ng kalooban niya. Ayon sa kaniyang kagustuhan, ipinasiya niya 10 na maitatag ang isang administrasyon* kapag natapos na ang panahong itinakda niya, para matipon ang lahat ng bagay sa Kristo, ang mga bagay sa langit at sa lupa.+ Oo, sa kaniya, 11 na kaisa namin at kasama naming tagapagmana,+ gaya ng iniatas sa amin, dahil pinili kami* ayon sa layunin ng isa na nagsasagawa ng lahat ng ipinasiya Niyang gawin ayon sa Kaniyang kalooban, 12 nang sa gayon, kami na mga naunang umasa sa Kristo ay maglingkod para sa Kaniyang kapurihan at kaluwalhatian.
-
-
Colosas 1:26, 27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
26 ang sagradong lihim+ na hindi ipinaalám sa nakalipas na mga sistema*+ at henerasyon. Pero isiniwalat ito ngayon sa mga banal;+ 27 gusto ng Diyos na ipaalám sa mga banal mula sa ibang mga bansa ang maluwalhating kayamanang ito, ang sagradong lihim+—na si Kristo ay kaisa ninyo, na nangangahulugang may pag-asa kayong makabahagi sa kaluwalhatian niya.+
-