Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Marcos 8:13-21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Pagkatapos, iniwan niya sila, sumakay siya uli sa bangka, at pumunta sa kabilang ibayo.

      14 Pero ang mga alagad ay walang nadalang ibang pagkain sa bangka kundi isang tinapay.+ 15 At mahigpit siyang nagbabala sa kanila: “Maging mapagmasid kayo; mag-ingat kayo sa lebadura ng mga Pariseo at sa lebadura ni Herodes.”+ 16 Kaya nagtalo-talo sila dahil wala silang tinapay. 17 Nang mapansin niya ito, sinabi niya sa kanila: “Bakit kayo nagtatalo dahil wala kayong tinapay? Hindi pa ba ninyo naiintindihan ang ibig kong sabihin? Hindi pa ba malinaw sa inyo?* 18 ‘Hindi ba kayo nakakakita kahit may mga mata kayo; at hindi ba kayo nakaririnig kahit may mga tainga kayo?’ Hindi ba ninyo natatandaan 19 nang pagpira-pirasuhin ko ang limang tinapay+ para sa 5,000 lalaki? Ilang basket ang napuno ninyo ng natirang tinapay?” Sinabi nila sa kaniya: “Labindalawa.”+ 20 “Nang pagpira-pirasuhin ko ang pitong tinapay para sa 4,000 lalaki, ilang malalaking basket ang napuno ninyo ng natirang tinapay?” Sinabi nila sa kaniya: “Pito.”+ 21 Kaya sinabi niya sa kanila: “Hindi pa rin ba ninyo naiintindihan?”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share