Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 16:5-12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 At tumawid ang mga alagad sa kabilang ibayo, pero nakalimutan nilang magdala ng tinapay.+ 6 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Maging mapagmasid kayo at mag-ingat sa lebadura* ng mga Pariseo at mga Saduceo.”+ 7 Kaya sinabi nila sa isa’t isa: “Hindi kasi tayo nagdala ng tinapay.” 8 Alam ito ni Jesus, kaya sinabi niya: “Bakit ninyo sinasabing wala kayong tinapay, kayo na may kakaunting pananampalataya? 9 Hindi pa ba ninyo nakukuha ang punto, o hindi ba ninyo natatandaan ang limang tinapay para sa 5,000 at kung ilang basket ang napuno ninyo?+ 10 O ang pitong tinapay para sa 4,000 at kung ilang malalaking basket ang napuno ninyo?+ 11 Bakit hindi ninyo naiintindihan na hindi tungkol sa tinapay ang sinasabi ko? Kundi mag-ingat kayo sa lebadura ng mga Pariseo at mga Saduceo.”+ 12 Pagkatapos ay naintindihan nila na pinag-iingat niya sila, hindi sa lebadura ng tinapay, kundi sa turo ng mga Pariseo at mga Saduceo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share