-
Marcos 8:27-29Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
27 Si Jesus at ang mga alagad niya ay umalis papunta sa mga nayon ng Cesarea Filipos. Habang nasa daan, tinanong niya ang mga alagad niya: “Sino ako ayon sa mga tao?”+ 28 Sinabi nila sa kaniya: “Si Juan Bautista;+ pero sinasabi ng iba, si Elias;+ at ang iba pa, isa sa mga propeta.” 29 At tinanong niya sila: “Pero kayo, sino ako para sa inyo?” Sumagot si Pedro: “Ikaw ang Kristo.”+
-
-
Lucas 9:18-20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 Isang araw, habang mag-isa siyang nananalangin, lumapit ang mga alagad sa kaniya, at tinanong niya sila: “Sino ako ayon sa mga tao?”+ 19 Sumagot sila: “Si Juan Bautista; pero sinasabi ng iba, si Elias; at ang sabi naman ng iba, muling nabuhay ang isa sa mga sinaunang propeta.”+ 20 Sinabi niya: “Pero kayo, sino ako para sa inyo?” Sumagot si Pedro: “Ang Kristo ng Diyos.”+
-