Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 16:13-16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Nang makarating si Jesus sa lupain ng Cesarea Filipos, tinanong niya ang mga alagad niya: “Sino ang Anak ng tao ayon sa mga tao?”+ 14 Sinabi nila: “Sabi ng ilan, si Juan Bautista;+ ang iba, si Elias;+ at ang iba pa, si Jeremias o isa sa mga propeta.” 15 Sinabi niya sa kanila: “Pero kayo, sino ako para sa inyo?” 16 Sumagot si Simon Pedro: “Ikaw ang Kristo,+ ang Anak ng buháy na Diyos.”+

  • Marcos 8:27-30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Si Jesus at ang mga alagad niya ay umalis papunta sa mga nayon ng Cesarea Filipos. Habang nasa daan, tinanong niya ang mga alagad niya: “Sino ako ayon sa mga tao?”+ 28 Sinabi nila sa kaniya: “Si Juan Bautista;+ pero sinasabi ng iba, si Elias;+ at ang iba pa, isa sa mga propeta.” 29 At tinanong niya sila: “Pero kayo, sino ako para sa inyo?” Sumagot si Pedro: “Ikaw ang Kristo.”+ 30 Pagkatapos, mahigpit niya silang inutusan na huwag sabihin kahit kanino ang tungkol sa kaniya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share