Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Marcos 9:17-29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Isa sa kanila ang sumagot: “Guro, dinala ko sa iyo ang anak kong lalaki dahil sinasaniban siya ng espiritu at hindi siya makapagsalita.+ 18 Kapag sinasaniban siya nito, ibinabagsak siya nito sa lupa, bumubula ang bibig niya, nagngangalit ang mga ngipin niya, at nawawalan siya ng lakas. Nakiusap ako sa mga alagad mo na palayasin ito, pero hindi nila magawa.” 19 Sinabi niya sa kanila: “O henerasyong walang pananampalataya,+ hanggang kailan ko kayo pakikisamahan? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo siya sa akin.”+ 20 Kaya dinala nila ito kay Jesus, pero nang makita siya ng espiritu, agad nitong pinangisay ang bata. Bumagsak ito sa lupa at nagpagulong-gulong, na bumubula ang bibig. 21 Tinanong ni Jesus ang ama: “Gaano katagal na itong nangyayari sa kaniya?” Sinabi ng ama: “Mula pa sa pagkabata, 22 at madalas siya nitong ihagis sa apoy at sa tubig para patayin siya. Pero kung may magagawa ka, maawa ka sa amin at tulungan mo kami.” 23 Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Bakit mo sinasabing ‘Kung may magagawa ka’? Posible ang lahat ng bagay kung may pananampalataya ang isa.”+ 24 Agad na sumagot nang malakas ang ama ng bata: “May pananampalataya ako! Pero tulungan mo akong magkaroon ng mas malakas na pananampalataya!”+

      25 Nang mapansin ni Jesus na maraming tao ang nagmamadali papunta sa kanila, sinaway niya ang masamang* espiritu: “Espiritung pipi at bingi,* inuutusan kita, lumabas ka sa kaniya at huwag ka na uling papasok sa kaniya!”+ 26 Pagkatapos nitong sumigaw at mangisay nang maraming ulit, lumabas ito, at parang namatay ang bata, kaya karamihan sa mga tao ay nagsabi: “Patay na siya!” 27 Pero hinawakan ni Jesus sa kamay ang bata at ibinangon ito, at tumayo ito. 28 Pagpasok ni Jesus sa isang bahay, tinanong siya ng mga alagad niya nang sarilinan: “Bakit hindi namin iyon mapalayas?”+ 29 Sinabi niya sa kanila: “Ang ganoong klase ng espiritu ay mapalalabas lang sa pamamagitan ng panalangin.”

  • Lucas 9:38-42
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 38 At isang lalaki mula sa karamihan ang sumigaw: “Guro, nakikiusap ako sa iyo, tingnan mo ang anak kong lalaki, dahil nag-iisang anak ko siya.+ 39 Isang espiritu ang sumasapi sa kaniya, at bigla siyang sumisigaw, at pinangingisay siya nito at pinabubula ang bibig niya, at ayaw pa rin nitong umalis kahit nasugatan na siya nito. 40 Nakiusap ako sa mga alagad mo na palayasin ito, pero hindi nila magawa.” 41 Sinabi ni Jesus: “O henerasyong walang pananampalataya at makasalanan,+ hanggang kailan ko kayo pakikisamahan at pagtitiisan? Dalhin mo rito ang anak mo.”+ 42 Palapit pa lang ang bata, isinubsob na siya ng demonyo sa lupa at pinangisay nang matindi. Pero sinaway ni Jesus ang masamang* espiritu at pinagaling ang batang lalaki at dinala sa kaniyang ama.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share